Matapos ang 2 Taon, Vina Morales Napaiyak sa desisyon ng Korte sa kanyang Kaso.
Matapos ang mahabang 2 taon sa kaso ng singer aktres na si Vina Morales na Cyber Libel ay tuluyan na ngang ibinasura ito ng korte.
Ang Cyber Libel case ay isinampa ni Cedric Lee ang kanyang dating karelasyon at ama ng kanyang anak na si Ceana. Ang kaso ay isinampa noong 2018 sa mga lungsod ng Palayan (Nueva Ecija), Pasig, ParanΓ±aque, Mandaluyong at Quezon.

Pati ang two counts of cyber libel na lumabas sa dalawang video interview na uploaded sa YouTube noong Hunyo 17, 2016 ay dismissed na rin sa lungsod ng Caloocan.
Ang pagsampa ng kaso kay Cedric Lee ni Vina Morales ay nagsimula noong di nasunod ng aktress ang araw ng pagbalik ng kanilang anak na si Ceana kaya sinampahan ng illegal detention at kidnapping.


May shared custody sina Cedric at Vina sa anak nila at kahit nasa out of the country shows ang huli ay inatasan naman niya ang mga kapatid niyang sina Sheila at Shaina Magdayao na alagaan ang anak bilang guardian ng bata.
Mariing itinaggi naman ni Cedric Lee ang akusasyon ng aktress sa kanya kaya naman nagsampa ito ng libel case sa kanyang dating karelasyon.

Samantala naman, may isang post si Vina Morales sa kanyang social media na makikitang tuwang tuwa ito matapos dumalo sa hearing ng kanyang kaso kasama ang kanyang legal councel na si Atty. Mary Ann Lucille Sering sa Caloocan Regional Trial Court kahapon.
“Gusto ko lang po i-share sa inyo eto dahil napakalaking apekto, pagsubok ang pinagdaanan ko, ng anak ko at buong pamilya ko ng ilang taon.
“Pasensya na sa mata kong maga dahil umiyak ako kagabi (nag make up cover ayun puno ng foundation ang mask ko) nalaman ko na may court hearing ako today, s’yempre dahil sa pandemya takot po ako lumabas.

“Pero kailangan um-attend kami ni Atty @lucillesering, sinusulat ko eto na naiiyak dahil po thankful at grateful po ako kay Atty. Lucille na hindi n’ya kami pinabayaan ni Ceana sa mga laban ng napakadami pong kaso simula pa nu’ng 2013.

“Salamat din sa assistant n’yang si Ate Glenda at Atty @seringdipity sa tulong . Today po dismissed na po ang Caloocan case na simula pa nu’ng 2018. Na dismissed na rin po ang Nueva Ecija City (Palayan), Pasig City, Parańaque City, Mandaluyong City, Quezon city at ngayon Caloocan City. Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat po ng tumulong at nagdasal po sa amin. Alam n’yo kung sino kayo at Diyos na lang po ang bahala sa inyo.”

Naibahagi naman ng aktres na may isang kaso na lamang ang natitira, at ito ay sa San Juan City ngunit hindi na ito nabanggit ng aktress sa knyang video.
Aniya, “Isa na lang po ang natira, San Juan City case na lang po since 2013 at Alam ko rin na hindi rin kami pababayaan ng Diyos.
“Nag desisyon akong i-share sa inyo kasi sa panahon natin ngayon gusto ko lang pasalamatan ang pamilya ko at mga matalik kung kaibigan na sumuporta po sa amin. Sana matapos na ang lahat ng eto. Move on na po tayo. Let’s be thankful and grateful and also let’s be kind to each other. Thank you Lord Jesus. God is good. All the time.”
The post Matapos ang 2 Taon, Vina Morales Napaiyak sa desisyon ng Korte sa kanyang Kaso. appeared first on Most Trending PH.
Source: Mostrending PH
)nalaman ko na may court hearing ako today,syempre dahil sa pandemya takot po ako lumabas

Alam nyo kung sino kayo at Diyos na lang po ang bahala sa inyo
Comments
Post a Comment