Gamit ang Cred!t card ng biktima: Kawatan, na nagshopping ng halagang 30K sa online, bistado
Isang lalaki ang nahuli sa pag gamit ng credit card ng kanyang naloko bilang online seller ng gadget sa social media.
Pinangalanan ng awtoridad ang lalaki na si Marco Castro Margarico, na hinuli ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group.

Ayon sa may ari ng credit card n kanyang nabiktima na si alyas “Linda”, nakilala niya si Marco sa social media dahil umano ay naghahanap si Linda ng gadget sa social media.
At matapos maibigay ni Linda ang lahat ng impormasyon ng kanyang credit card kay Marco ay inakala niyang maidedeliver na ang kanyang gadget na kanyang order.
Ngunit laking gulat na lamang ni Linda na nalimas o nagamit na ng suspek ang kanyang Credit Card.

Nakipagtulungan sa mga awtoridad ang online store na pinagbilhan ni Margarico gamit ang credit card ng biktima kaya nakapagkasa ng entrapment operation laban sa suspek.
Nagpaalala naman si Lt.Cor. Mary Ivy Salazar ng PNP Anti-Cybercrime Group na maging maingat sa pakikipag transaksyon online at mga nkakatransakyon sa social media.

At dahil nahuli ang salarin, napagalaman ng mga awtoridad na maraming pekeng id ang ginagamit ng suspek na di umano ay ginagamit ng suspek sa kanyang pang iscam.

Patong-patong na kaso at reklamo ang isinampa sa suspek kabilang ang swindling o estafa in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kaya maging maingay tayo sa pakikipag transaction online at wag basta basta magbibigay ng impormasyon lalo na sa credit cards at id.
The post Gamit ang Cred!t card ng biktima: Kawatan, na nagshopping ng halagang 30K sa online, bistado appeared first on Most Trending PH.
Source: Mostrending PH
Comments
Post a Comment