Kawawang Matanda Nagulat sa Ginawa ng Kanyang mga Kapitbahay
May isang matandang Babae sa Gua, Barbaza, Antique ang pinagtulungan ng magkakapitbahay. Makikita sa video ng grupong Ibang Trip To, kung paanong nagkaisa ang mga tao upang tulungan si Lola na nagngangalang Aling Anastasya. Sa edad na 84, ay kuba na ito maglakad dahil sa pananakit ng kanyang likod.

Makikita sa video ang isang matanda na inaalagaan ang kanyang apo na til ay may kapansanan simula noong ito ay bata pa lamang. Sila ay kasalukuyang nakikitira lamang sa kanilang kamag anak.

Kaya naman ang isang grupo na mula sa kanilang mga kapitbahay ang nakaisip na magtulong tulong para sa maglola, ngunit kailangang masagot muna ng matanda ang mga katanungan n magmumula sa Mystery Arinolang hawak nila na naglalaman ng cash para sa pang grocery at pang bili ng mga kailangan nila Lola Anastasya.

Ngunit ilang tanong ang dumaan at hindi ito nasagot ni Lola. Ang sumunod naman na katanungan ay kung ano ang pangalan ni lola kaya naman nasagot ito ni lola at nagkaron ng pagkakataong makabunot sa Mystery Arinola.
Kakaiba at napakaganda ng kalooban ng grupong Ibang Trip To, dahil sa dulo ng kanilang video ay ipinakita nila ang kanilang susunod na tutulungan kung saan, umakyat pa sila ng bundok para lamang marating at maiabot ang tulong nila sa isang matanda na mag-isang naninirahan sa bundok. Mag-eere ito sa September 4, Friday, 1PM.


Sa gitna ng hirap na nararanasan ng lahat ng dahil sa pandemiyang ito.. Nkakatuwang isipin na may mga grupong kagaya nila na pinipili pa ring tumulong s mga taobg higit na kinakailangan ang tulong. Ang kanilang tanging hiling lamang ay ma-share ang kanilang page upang maging inspirasyon sa maraming mga tao.
Narito ang link ng buong video at panoorin:
At narito naman ang link ng kanilang Facebook Page:
Sana sa ganitong panahon, mas maraming grupo o individual ang makaisip na tumulong a walang wala. Yung mga taong kinakailangan talaga ng tulong. Lalo na ang mga matatanda.
Saludo kami sa inyo sana mas marami pa kayong matulungang mga taong kapos palad Godbless
The post Kawawang Matanda Nagulat sa Ginawa ng Kanyang mga Kapitbahay appeared first on Most Trending PH.
Source: Mostrending PH
Comments
Post a Comment