Isang sekyu ang nagmalasakit sa nangangailangang Mag-Aamang walang makain.

Isang post ni Racel Diola Melargo ang naging viral dahil sa nakakaantig damdaming pagtulong ng isang sekyu na pakainin at bigyan ng pamasahe ang mag amang di pa nkakakain at naliligaw. Isang pagmamalasakit na kahit sa gitna ng pandemiyang covid19 ay taos puso at di nagalinlangang tumulong sa nangangailang mag ama sa San Pablo, Laguna.

Kitang kita ang pagod at lungkot sa mag-amang naliligaw, pagod, init, at gutom ang makikita lalo na sa bata.

Hindi na naiwasang mag-usisa ni Racel sa bata, kanya nang nilapitan ang kanilang ama, at ayon sa tatay, sila raw ay papunta sa Lemery, Batangas.

Nalaman ni Racel na ang mag ama daw ay naglalakad dahil sa wala na silang perang pamasahe at kahit pang kain man lang. Sila raw ay galing Maynila patungong Lemery, Batangas subalit mali daw ang nasakyan nila kaya napunta silang San Pablo , Laguna.

Mula San Pablo ay matyaga nilang nilakad papunta sa Tanauan, Batangas upang makarating paunti-unti sa kanilang pupuntahan. 3 araw na silang naglalakad at dahil wal na nga silang pera pangkain ay nanghihingi na lamang sila sa mga karinderya ng maiinom at kung maari ay mkakain na kahit sa bata man lang.

Habang kausap ni Rancel ang mag-ama, ay halos di niya mapigilan ang kanyang luha dahil ramdam niya ang hirap ng magama lalo na ang bata.

At mas nadurog ang puso ni Racel ng malaman niya ang dahilan ng mag-ama kung bakit pupunta sila sa Lemery. Dahil daw sa namayapa ang ina ng bata.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nagdalawang isip si Racel na tulungan ang mag-ama at bigyan sila ng pamasahe upang makauwi ng Lemery, Batangas.

Mabuti na lamang at mayroon pa syang kaunting perang naiipit sa wallet at binigyan sila ng pera upang makarating na sila sa Lemery at makapilang na ang kanilang ina kahit sa huling sandali.

Hindi hinayaan ni Racel na hindi kumain ang mag-ama bago sila umalis at pinagbaonan pa niya ng makakain.

Ipinost ni Racel ang nangyari sa social media at baka sakaling may makakita sa mag-ama atbaka sakaling makatulong sa mag-ama sa kanilang paglalakbay papuntang Lemery, Batangas.

Talaga namang nkakamangha ang ginawa ng netizen na si Racel dahil bukod sa pagtong niya ng walang alinlangan sa mag-ama ay nagbakasakali pa syang may makatulong sa mag-ama kung sakaling makita sila sa paglalakbay.

Sana ay marami pang kagaya mo Racel na hindi magdalawang isip na tumulong sa kapwa kahit wala kang sobra sobrang pera.

The post Isang sekyu ang nagmalasakit sa nangangailangang Mag-Aamang walang makain. appeared first on Most Trending PH.


Source: Mostrending PH

Comments

Popular posts from this blog

Joey de Leon reveal something about Maine Mendoza and Alden Richards’ real score

Julia Barretto revealed she wants To portray a mistress role like in K-drama “The World of Married Couple.”

Yam Conception still loyal to her home Network ABS CBN.