Bagong Gaganap na Marimar, Pinakilala na!
Umanin ng napakaraming kumento, puso at likes ang nala-Marimar looks na mga litrato ni Jillian Ward sa social media.
Malaki na nga ang pinagbago ng itsura ng dating child star na si Jillian Ward at ito ay napansin ng maraming netizens sa Instagram photos ni Jillian na kuha sa isang beach resort.

Hawig na hawig daw ni Marimar na pinasikat ni Mexican Superstar Thalia si Kapuso young star Jillian Ward. Si Marian Rivera ang unang gumanap na Marimar at sinundan naman ni Meagan Young sa Pinoy Version ng Marimar.

Mas lalo pang na-excite ang fans nang mag-post si Jillian ng kanyang video habang nagsasayaw sa beach to the popular “Marimar” tune.

Kaya sa pinaka bagong vlog ni Jillian sa kanyang Youtube channel ay tinanong siya ng mga netizens kung papayag siyang maging bagong Marimar kung sakaling gawan ng bagong version ito ng Kapuso Network.

Sagot ni Jillian, Well of course po! Sino po bang may hindi gustong tanggapin yun?
“Kung ano man pong ibigay sa akin ng network or management, kung ano man pong pinagkakatiwala nila sa akin talagang pagbubutihan ko lang po talaga.

“Yung trabaho ko, kung ano man pong role yan tatanggapin ko yan. Basta po may nai-inspire ako at napapasaya,” sagot ni Jillian sa tanong ng mga netizens sa kanyang vlog.
Ano sa tingin ninyo? Baga bang si Jillian Ward ang dating child Star ng kapuso Network ang gumanap bilang bagong Marimar kung sakaling gawan ng Kapuso Network ng baglng version ang Marimar?
The post Bagong Gaganap na Marimar, Pinakilala na! appeared first on Most Trending PH.
Source: Mostrending PH
Comments
Post a Comment